Sunday, January 2, 2011

A lesson I won’t forget


A lesson I won’t forget

…”Its not the situation, but how you react on it!”

Isa sa sangkatutak na status messages ni ina. Sa dami nun e may mga magagamit ka naman talaga. Kung baga sa pagkain, marami siyang ihahain sayo… Kanin mo nga lang ung sa palagay mong masarap… namnamin mo nang masipsip ng katawan mo ang nutrisyong dulot nito…

Mula nung nabasa ko tong status message ni ina, isinabuhay ko na siya, may mga pagkakataong nakakalimutan ko rin iapply. May mga sitwasyon kasi na di mo maiiwasang maging emotional, nakakalimutan mong ilabas ag sarili mo na parang pinapanood mo ang eksena sa paborito mong teleserye na isa sa mga tauhan nito. Kaya imbes na positibo ang magiging reaksyon mo eh napapasama palalo…

Halimbawa na lang sa simpleng tanong na sino ba dapat sisihin sa negatibong pangyayari… pwede mong sagutin ng “Eh siya kasi eh, hindi nya ginawa ang parte nya… kaya lahat tayo damay…” o pwede naming “Wala tayong dapat sisihin, gawan na lang natin ng paraan para lahat tayo ligtas…” oh diba?! Lahat tayo nasa pedestal, walang naiwan at walang masama ang loob.

Sana ma subukan nyo din, epektibo ito kahit na sa pinaka masikip na pagkakataon… Huminga ka ng malalim, ilabas mo ang sarili mo sa sitwasyon, hanapan nang sulosyon at manatiling positibo… Mahirap siya pero epektib…

Maligayang Bagong Taon sa lahat!ü

No comments:

Post a Comment