Pagkatapos ng isang linggong pag iikot sa kanlurang Luzon… napagtanto ko na kailangan ko na mag pa gupit. Dahil ang bieber look ko ay hindi na naaayon sa panahon at sa aking trabaho…
Mga Dahilan:
· Pag gising ko sa umaga… tayu tayu na sil
a at ayaw sumunod sa gusto kong ystilo… nag mamarunong na xa…
· Pangalawa, sa init ng panahon ngaun laluna sa probinsya ay tumatagaktak ang pawis at nanunulay sa mahaba kong bangs.
· Magastos na siya sa shampoo… (dapat mag tipid)
Kaya’t naisipan ko na mag pagupit ng ayon sa panahon… Tsdaaannn!!!!

Bahagyang kalbo sa bilang na tres ng aparatong tinatawag na razor. NYAHAHAHA!!!
Pagkatapos ko sa barbero ay anung ginhawa ang aking nadama… ang hangin na dumarampi sa aking ulo ay napakalamig… agad akong umuwi para maligo dahil sa mga maliliit na buhok na kumapit sa aking damit at balat. At sa pagbibiro nang pagkakataon… biglang dumilim ang ulap at agad na bumuhos ang malakas na ulan…
Naalala ko ang mga kapwa ko ka empleyado (di,tina,nads)... “Naku! Kahit hindi nila ako kaibigan… nag aalala ako na mahirapan silang umuwi mamaya…” Agad akong nag palit ng saluwal at naligo sa mala yelo sa lamig na ulan. Dinama ko ang pag tama ng bawat butyl ng ulan sa aking muka! Para kang nasa shower… Naalala ko tuloy nung kabataan ko pag na ulan… inaabangan naming ang pag apaw ng estero at maging isang malaking swimming pool ang kalsada. Wala kaming pakialam kung madumi at mabaho ang tubig baha o kung kami ay mmakasagap na sakit. Bastat ang mahalaga ay ma-enjoy namin ang pagkakataong iyon.
Da best talaga ang hapong iyon… nag pa pray ako at nagpasalmat sa pagkakataong maranasang muling maligo sa ulan…