
Hahayaan ko na muna ang papipilit na magsulat sa wikang ingles kay di at tina (common friends) at ako ay susulat sa wikang kinalakhan ko...
Medyo matagal na din nung huli akong mag blog dahil sa sunod sun
od na mga byahe ko... Nag simula ito nung mahal na araw. Kinailangan kong pumunta ng bundok banahaw para ipatikim sa mga tao ang aming bagong produktong kape at sardinas. Nung patungo pa lang kami ay ayos naman ang pakiramdam ko, ngunit palapit na kami ay biglang uminit ang pakiramdam ko na parabang ako'y lalagnatin. Pag lapag namin sa paanan ng bundok, kami muna ay nag ikot-ikot para maplano namin ang aming g
agawin. Maraming bayarin bago makarating sa bundok dahil alam nila na maramingdayo kayo pinagkakitaan nila to... Samut sari din ang mga panina na inyong makikita. Pag katapos namin ikutin ang paanan ng bundok. Kami ay tumungong lucena para dun magpahinga. Kinailangan ko uminum ng gamut pat matulog ng maaga para maibsan ang aking nadarama. Buti na lang ng sumunod na araw ay ayos na ang aking pakiramdam. Muli kami ay tumungo sa nasabing bundok para isagawa ang aming layunin... Bitbit ang mga produkto sa loob ng aming mga bag! Kami any namigay sa aming mga nakakasalbong at sa mga naliligo
sa batis. Sa simula ay ayaw nilang tanggapis sa pagaakalang may kapalit ang aming pinamimigay, di nag laon ay sila na mismo ang lumalapit para manghingi. Sa dulong kanan nag batis ay may hagdang bato patungo sa isang kweba. Dito ang mga diboto ay nagtitirik ng kandila ang nag aalay ng panalangin. Sa loob nito ay may mga artal kung saan nakalagay ang mga rebulto ni Kristo at ni Inang Maria. Tyiempo naman na may isang deboto na nakikipag usap sa isang matanda para tulungan xa manalangin. Tinanung ni lolo "anu bang gusto mong ipanalangin natin..." Sumagut ang ale "kaligtasan at masaganag buhay po!" Pagdakay nagsimula nang manalangin si lolo sa malalim na tagalog. (Mas malalim pa sa tagalog ko...) Pagkatapos namin mamigay, muli kami ay bumyahe tungong Lipa Batangas para maghanda kinabukasan. Habang nasa byahe ay naisipan namin bisitahin ang mga simbahan na aming madaraanan. Halos naka anim na simbahan kami bago kami nakarating sa aming destin
asyon. Nag gabing iyoan, kami ay nag lasing na dapat ay kahapon pa namin ginawa ngunit hindi natuloy dahil masama ang aking pakiramdam.
Kinabukasan kami ay tumulak na pa Maynila para g
unitain ang mahal na araw sa piling ng aming pamilya...

Awww, ang cute ng post mo pre.. Para bang sumasaya ang puso ko pag nababasa ko. Sana regular ka ng magsulat ng blog. Ikinagagalak ko ang muli kong pagbabasa ng kwento mula sayo.
ReplyDeletehahaha! cge... merun pa ko pra dun sa pahiyas at sa mindoro travel ko... pati ung regarding sa ulan....
ReplyDelete