![]() | |
mama on her facebook account... |
Do believe that science has the answer to everything? Hmmmm! Maybe not' because i belive that there are still secrets that even science can't explain...
"Mama! Naniniwala ka ba sa nagtatawas? Yung gumagamot sa nausog or na matanda?"
"Uu naman..." "Kahit may findings na ang duktor?"
Its was a cold, blackout, and stormy afternoon... Classes are suspended, even work are suspended and most part of the metro is flooded by thypoon pedring...
I had this conversation with my mother for me to understand more about the Filipino beliefs about faith healing...
Sabi nya' saming mahkakapatid daw, ako at ang bunso namin ang di sakitin... Yung kuya ko daw kasi, pinalaking laging malinis! Pero mas naging sakitin kasi humina ang immune system nya dahil lagi ngang malinis. Ako daw ang naging sakit ko nun ee tiwa or bulate... Kumakain daw kasi ako ng lupa sa paso na nasa barendilla ng teres namin... Ang pinaka matindi daw na muntik nang mamatay ay yung panganay sa kambal... Si raymond! Nung pinanganak daw kasi sila... Gwapo daw siya at mukhang nino... Yung isa naman tabatching na maitim! Mga apat na araw pa lang daw after nila lumabas sa ospital pagka panganak... Bigla daw itong nag tae at ayaw nang dumede! Sang katutak na swero daw ang inabot na umabot pa sa puntong lalagyan na siya sa noo... Tinanggihan ito ng aking ina dahil alam nya ang maaring maging epekto nito sa utak ng bata. Ang ginawa niya ee nilabas nya na sa ospital, pinadala sa lola ko sa chapel sa PNR habang siya ay nghahanap ng pera. Ipinagkatiwala na niya ang buhay ng kambal sa Diyos. Nag kataon naman na hinahabol pala sila nung manghihilot, nakaalis na daw kasi sila nun pa ospital kaya di niya natignan si raymond! Hindi daw kasi siya naniniwala na ang sanggol ay makakasakit ng pagtatae... Di naman siya pumunta ng ospital dahil ang manghihilot at doktor ay magkaiba g pananaw.
Pagkakita nila, agad nag orasyon ang manghihilot gamit ang kandila na ipapatak sa tubig... Ang findings nya! May naka usog na ka opisina ni ina' muli siya ay nag orasyon at ayon. Pahkatapos niya, dumede na ulit ang bata! Mabuti buti na ang pakiramdam. Pinabuhusan nya na din ng agua de bendita para kung sakaling may masamang mangyari ay nabasbasan na ang bata. Kinabukasan bumalik sila sa diktor para mabigyan ng gamot...
Napaka twisted ng istorya nya! Tipikal na Inang Pilipino... Wala siyang pakialam kung siyensya ba o pananampalataya. Basta gumaling ang anak niya'
Tinuran nya pa nga na binilin sa kanila na bago ibaon ang inunang nang kambal at hatiin ito sa dalawa at tska ibaon ng sa gayun ay di sila mag dugtong pag nagkakasakit!
May mga bagat talaga na hindi maipaliwanag ng rurok ng kaalaman nang tao. Kaya ang relihiyon at nananatiling nakatayo kahit sa bagong henerasyon.
No comments:
Post a Comment